Hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan: Ibaon sa isipan ang kasalanan upang masolusyonan

Performance Task in Filipino

Gawa ni: Kyoko Mae Yu Nerona      9-St. Augustine

               "Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna. Marami ang namamatay sa maling akala," ang kasabihan na ito ay galing sa banda ng Brownman Revival, ito ay nagpapahiwatig na maraming kaguluhan sa mundong ito at dapat tayong maging matalino upang makalabas sa mga mali. Kilala niyo ba ang ating gobyerno? senador? mga pinuno o heneral? pulis? mga taong mayaman? Diba, minsan maririnig natin ang salitang, "corrupt,” o "taksil sa lipunan," pero alam ba natin kung ano ang kanilang ginawa? Ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan ay malawak na problema na hindi ko pa nakikita na may pagbabago na maganda at mabuti sa lipunan. Nakatatak sa ating isipan na may mas makapangyarihan na bumubuo sa ating sarili at mayroong mga mababang estado sa buhay na naapektuhan sa kanila. Unti-unti tayong nagiging robot na sumusunod sa mga utos ng mga mas makapangyarihan. Hindi natin ito maiiwasan sapagkat marami na ang nahuhugis na mga tao dahil dito, may mga malaking pagbabago sa bansa na lalo na ako ay nakakaramdam nang kapighatian, sakit, at kalungkutan. Naniniwala tayo na ang nasa mataas na antas ay silang gumagawa nang tama. Ngunit, kabaliktaran pala ito sa ating iniisip, may posibilidad na ang mga tao ay mang-aabuso, mang-iinsulto, at pumapatay. Sa panahon ngayon, makikita natin ang dulot nito sa atin gaya ng karahasan, kahirapan, abuso, diskriminasyon ng kasarian, at pagmamataas dahil sa kalagayan. Dahil dito, maraming mahihirap ang naapektuhan sa bulok na sistema ngayon. Dahil din dito, hindi tayo umuunlad at pumipigil ito sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa. Bakit? Bakit hindi ang mga nasa mataas na posisyon ang gumawa nang tama? Masakit isipin na kapag wala kang pera, wala kang hustisya. Sa puntong ito, matutunghayan natin ang mga masamang impluwensiya sa lipunan galing sa mga matataas at makapangyarihan na posisyon, ang pagwala ng respeto, konsiderasyon, at tulong patungo sa mga indibidwal. Marahan ang ating karapatan pang-tao ay inaabuso at wala naman tayong ginagawa upang makakalabas sa nakakasakal na sitwasyon. Pilipinas, bayan ko, mga taong nagbabasa nito, nais kong ipahiwatig na tayo ay nawawalan ng karapatan na sundan ang matuwid na daanan. Paano natin tapusin ang kataksilang ito? Tayo, Pilipino, buksan natin ang ating mga isipan kung paano mapagandahan ang ating buhay. Huwag natin pababayaan ang isyung ito dahil lalo lamang itong lumalala.

Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis

              Sa puntong ito, ipapahayag ko ang paggagawa ng masamang gawi o kataksilan patungo sa mga inosenteng tao. Isang araw may hindi inasahang pangyayari sa Tarlac, binalita na may pumatay sa dalawang tao na sina Frank Gregorio at ang ina na si Sonya Gregorio dahil sa off-duty na pulis. Habang kinakapitan ni Sonya ang anak upang hindi makagawa ng gulo, inunahan nito sa anak ng pulis at sinigawan ang dalawa ng, “My Father is a Policeman!” Huling-huli sa bidyo na pinatay ni Jonel Montales Nuezca ang dalawa dahil sa isang hindi pagkakaintindihan at sa kayabangan. Makikita natin ang isyung panlipunan na pagmamataas o pag-aabuso dahil sa ranggo. Sa kabilang palad, may marami pang pangyayari na maaring makakasama sa pakiramdam gaya ng panggagahasa sa mga bata at mga babae na hindi dapat makakaranas ng ganyan, mga batang naghihirap upang mabuhay sa gitna ng kapahamakan kaya nalilimutan na nila ang kanilang edukasyon. Maaari ko ring gawing halimbawa ang mga babaeng nasa masamang anyo dahil sa mga gimik ng ibang tao na maaring makakaapekto sa kani-kanilang kapakanan. Isa ito sa dahilan sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian, dahil dito maraming mga sangay ay maaaring humantong sa istilo ng sinabi kong panggagahasa, minamaliit ang kanilang halaga, at inaabuso sila ng mga taong malakas. Sa eksena hinggil ni Sisa ay inabuso at minamaltrato siya sa kanyang asawa na iresponsable. Higit 1, 400 kaso ng kababaihan at bata ang inaabuso sa pamamagitan ng pagbabastos, pambubugbog, at panggagahasa. Ang mga kalalakihan ay isinasaalang-alang na sila ay nasa kapangyarihan at higit na kwalipikado dahil ang kanilang mga tungkulin ay higit na nangingibabaw kaysa sa mga kababaihan na sumusuporta lamang sa kanila at nagiging mga katulong ng kalalakihan. Ang problema dito ay isinasaalang-alang ng mga kababaihan ang kanilang sarili na mahina o maliit dahil sa mga kadahilanang kasarian, ngunit dapat itong ihinto. Ang mga ulo ng kalalakihan ay lumalaki lamang, kaya't tayo ay inabuso dahil sa palagay nila ay mas malakas sila kesa sa atin. Samakatuwid, ang tasa ng pang-aabuso ng pisikal at karahasan laban sa mga kababaihan o bata ay mabilis na tumataas. Sa kasalukuyang oras na ito, marami tayong mga batas at patakaran na hindi naaangkop sa ginawang krimen, ang ilan ay hindi makatarungan at hindi patas na nagsusulong ng mga pangyayaring hindi maganda. Tutunghayan natin ang aking paninindigan sa mga katiwalian at anomalya sa lipunan na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay na pakikitungo.


               Sa kabila ng lahat ng masasamang insidente na nabanggit sa nakaraang talata, tingnan natin ang maliwanag na bahagi kung paano natin mabawasan ang ganitong uri ng kataksilan sa lipunan. Bilang isang kabataan, nakikita ko na tayo ay hinuhubog ng mga taong higit na mas malakas. Narito ako upang maimpluwensyahan ang kabataan at ang susunod na henerasyon na iwasto ang mga maling ito upang mabuhay tayo nang mas mahusay kaysa dito. Nabanggit sa kabuuan ng blog na ito na kulang tayo sa hustisya sa mundo, matutulungan ko ang bayan ko kahit na sa mababang edad, sa pamamagitan ng pagsasama ng mga seminar o pagpapatupad ng mga ito. Maaari din tayong gumamit ng social media bilang isang platform upang maibahagi ang kataksilan at anomalya sa lipunan. Sa pamamagitan nito, maaari nating ipaalam sa mga tao kung paano ang iba pang mga kapwa-tao ay naghihirap sa matinding kasawian, at gayon ang lahat ay magagawa nilang panoorin at basahin ang balita. Sa ganitong paraan maaari nating maipaalam sa ibang tao hanggang sa maabot ang iba pang mga bahagi ng ekonomiya upang itaas ang kamalayan sa ilang mga isyu sa lipunan. Maaari rin akong magbigay at ibahagi ang aking mga donasyon sa mga biktima na nawalan ng katarungan at maaari kong palakasin ang pagkakaibigan at gumawa ng bagong koneksyon. Higit sa lahat, kailangan nating gumawa ng isang hakbang, halimbawa magprotesta. Kailangan nating linawin ang kanilang isipan na ang ginagawa nila ay napaka-hindi patas at ginawang sensationalize. Hindi natin aaprubahan ang ganitong uri ng pakikitrato at upang gawin iyon dapat natin gumawa ng isang hakbang upang mamulat sa katotohanan. Parte naman sa kasarian, ang pagiging parte ng kababaihan ay hindi madali, marami akong pinagdaanan na hindi magandang pakinggan at imulat gaya ng pag sutsut ng mga lalaki dahil sa mga sinusuot ko kahit na ako ay nagsuot ng kagalang-galang na suot. Hindi natin maiiwasan ang mga karahasan at pang-aabuso galing sa mga may masamang loob. Ang tanging magagawa natin ay magiging matatag at matutong umayaw sa mga hindi dapat itangkilik na mga gawi. Magsimula tayo nang maliit, at pakitunguhan natin nang mabuti ang bawat isa upang uunlad tayo sa mas ligtas na mundo.

"History does not record in its annals any lasting domination exercised by one people over another, of a different race, of diverse usages and customs, of opposite and divergent ideals. One of the two had to yield and succumb."

― José Rizal, Noli me Tángere (Touch me not)


Mga Komento

  1. WOW! Ang galing 👏👏 Marami akong natutuhan galing sa’yo, anak😊

    TumugonBurahin
  2. Napakahusay! 👏🏻 👏🏻 👏🏻

    TumugonBurahin
  3. Napakahusay ang pagpapaliwanag mo tungkol sa isyu na ito.

    TumugonBurahin
  4. Napakahusay ang pagpapaliwanag mo tungkol sa isyu na ito.

    TumugonBurahin
  5. Ako'y nagagalak dahil isa sa mga gusto mong mensahe sa blog na ito ay ang pagiging matatag sa pagharap sa unos ng buhay natin..

    TumugonBurahin
  6. Magandang isipin na sa panahon ngayon ay malawak na ang kaalaman ng ating mga kabataan sa mga pangyayari sa ating lipunan ngayon.. tulad nalang ng blog na ito.

    TumugonBurahin
  7. Cool!!! Nice post...Very informative!

    TumugonBurahin
  8. Solid! Ang galing nung gumawa neto. Sobrang lawak ng pag-iisip. Reality bites!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento